DTI-Isabela, nagsimula nang hikayatin ang mga establishment na kumuha ng safety seal

Nagsimula na ang Department of Trade and Industry- Isabela sa paghikayat sa mga establishimentong kanilang nasasakupan na kumuha ng safety seal na nagpapatunay na sumusunod sila sa inilatag na minimum health standard ng pamahalaan.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay DTI-Isabela Provincial Director Winston Singun, ang naturang safety seal na magtatagal ng anim na buwan ay batay sa joint memorandum circular ng DOLE, DOH, DILG, DOT at DTI kung saan ang mga establishimento na hindi nasasakupan ng limang ahensya ay ang LGU na ang magbibigay ng safety seal.

Kaugnay dito, sakop ng DTI na bigyan ang mga grocery supermarket, membership shopping club, convenience store, construction supply and hardware, logistics service providers, barber shop and salon at service repair shops.

Ayon pa kay Dir. Singun, ang minimum na kwalipaksyon umano nito ay ang pagpapatupad ng minimum health standards sa isang establishment at ang paggamit ng contact tracing app na staysafe.ph.

Nilinaw naman niya na voluntary lamang ang pagkuha ng safety seal na maaring applyan online kung saan susuriin ng ahensya kung pasado ito sa kwalipikasyon bago bigyan ng safety seal na maaaring i-download.

Layunin nitong mabigyan ng certification ang isang establishimento na sumusunod sa protocol upang matiyak ng mga konsyumer na ligtas sila sa banta ng COVID-19.

Samantala, nagpapatuloy naman ang webinar ng DTI sa mga LGU na nangangailangan ng technical assistance para sa implementasyon ng nasabing memorandum circula no. 2021-053.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *