DTI, kumpyansang magiging stable na ang presyo ng bigas sa loob ng tatlong linggo

Muling idiniin ng Department of Trade and Industry (DTI) na temporary lamang at hindi magtatagal ang price ceiling na itinakda sa bigas.

Ayon kay DTI Asec. Agaton Uvero – kumpiyansa sila na sa loob lamang ng tatlong linggo ay magiging ‘stable’ nang muli ang presyuhan ng bigas sa merkado.

Sinabi pa ng Trade official na hindi naman daw nila basta-basta mapipilit ang mga retailers na magbenta nang palugi kaya nga raw mayroong ayuda na inihahanda ang gobyerno para sa kanila.

Sa kabila nito, sinabi ni Uvero na hindi talaga maiwasana ng bawas-kita sa mga manininda ng bigas kaya may nakita na silang bumabawi sa mga premium brands ng bigas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *