DTI nagsagawa ng inspeksyon sa mga tindahan ng paputok dito sa bayan ng Daet

CAMARINES NORTE – Nagsagawa ng inspeksyon ang Department of Trade and Industry (DTI) kasama ang mga tauhan ng Daet Municipal Police Station sa mga tindahan ng paputok dito sa bayan ng Daet kahapon.

Ito ay upang masiguro na ang mga ibinebentang paputok ay nakapasa sa safety standard ng ahensiya.

Ayon kay Consumer Protection Division Head Gary Rafanan, tinitingnan nila kung mayroong mga safety markings ang mga ibenebentang fireworks.

May ilan namang ibenebentang imported na paputok ang kinumpiska na itu- turn over sa Explosive Ordnance Division ng PNP para sa kaukulang disposisyon.

Sabi ni Rafanan, lokal na produkto lang na mayroong sapat na safety markings ang maaaring ibenta.

Batay sa checklist, dapat mayroong Philippine Safety Standard Seal sa packaging ng produkto at may instructional leaflet  na nakasulat sa English at Filipino patungkol sa proper handling, storage at pagpaputok ng produkto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *