National

DTI, nangakong palalakasin ang kampanya laban sa pagbebenta ng ng vape at e-cigarette products

Nangako ang Department of Trade and Industry na palalakasin ang kampanya laban sa pagbebenta ng vape at e-cigarette products na labag sa Republic Act (RA) 11900 o kilala sa tawag na Vape Law.

Ginawa ni DTI Assistant Secretary Ann Claire Cabochan ang pagtiyak sa isinagawang public hearing ng Senate Committee on Sustainable Development Goals, Innovation and Futures Thinking na pinamumunuan ni Senator Pia Cayetano.

Sa pagdinig, sinabi ni Cabochan na nakahanap sila ng ilang seller partikular sa National Capital Region, na patuloy na nagbebenta ng mvape products loob ng 100-meter radius ng iosang pasilidad na madalas puntahan ng mga kabataan.

Mayroon na aniyang 23 firms kung saan 16 na show cause orders na ang na-issue ng Fair Trade Enforcement Bureau.

Idinagdag niya na ang DTI ay nagpadala na ng official notices sa mga regional at provincial offices na humihimok sa mga online selling platforms na sumunod sa RA 11900.//CA

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

6 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

6 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

6 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

7 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

7 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

7 hours ago