Local News

HPG nagsagawa ng inspection sa mga terminal upang siguruhing ligtas ang mga pasahero sa pagsakay sa mga pampublikong sasakyan

CAMARINES NORTE- Nag- ikot ang mga tauhan ng Philippine National Police Highway Patrol Group sa ilang terminal dito sa bayan ng Daet upang tiyakin ang kaligtasan ng mga pasahero sa mga pampublikong sasakyan.

Kabilang sa mga tinungo ng HPG ay ang terminal sa barangay Camambugan at Gahonon gayundin ang pila ng mga tricycle upang ipaalala ang dati na ring kampanya na BLOWBAGETS

Ito ay ang  acronym kung saan nakalista ang mga dapat i- check at suriin bago bumiyahe tulad ng Brake, Lights, Oil, Water, Battery, Air, Gas, Engine, Tire, and Self.

Namahagi rin ang mga ito ng mga information materials sa mga driver kunduktor at pasahero na naglalaman ng mga tips para maging ligtas ang biyahe pati na rin sa kriminalidad.

Inaasahang sa mga susunod na araw ay mas magiging madalas pa ang inspeksyon sa mga terminal dahil sa papalapit na pagunita ng semana santa.

Inaasahan kasi ang pagdagsa ng mga biyahero papasok at palabas ng lalawigan dahil ito ang pinakaunang semana santa  na wala na halos pinapatupad na COVID- 19 restrictions.

Sa Pebrero 22 ay ash Wednesday na, hudyat ng pagsisimula ng panahon ng kuwaresma at sa unang linggo ng Abril ang Semana Santa.

BNFM Daet

Recent Posts

Sandy Cays na bahagi ng Pag-asa island sa WPS, nasa ‘degraded state’ na

Nasa degraded state ang Cay 1, Cay 2 at Cay 3 na bahagi Pag-asa Island…

1 day ago

RTWPB – inumpisahan na ang pagre-review sa mga sahod

Nagsimula na ang review ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa mga sahod ng…

1 day ago

Championship games sa Palarong Bicol 2024 – nauwi sa rambulan

NAUWI sa rambulan ang Men's Division Championship-football games sa pagitan ng Masbate City Team at…

1 day ago

Inaasahang rollback sa susunod na linggo – nadagdagan pa ng hanggang sa humigit-kumulang isang piso

Nadagdagan pa ang halaga ng inaasahang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod…

1 day ago

PNP, muling dinepensahan ang pag-aresto sa ‘Mayo Uno 6’

Dinepensahan ng Philippine National Police (PNP) ang pag-aresto sa 'Mayo Uno 6' sa gitna ng…

1 day ago

Defense chiefs ng PH, Japan, US, at Australia – kinundena ang harassment ng China sa WPS

Naghayag ng pangkabahala ang mga Defense chiefs ng bansang Pilipinas, Japan, Estados Unidos at Australia…

1 day ago