DTI pinaalalahanan ang publiko na suriing mabuti ang mga binibiling Christmas lights

Pinaalalahanan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang publiko na suriing mabuti ang mga binibiling Christmas lights upang masigurong ligtas ito.

Ayon kay Marian Pearl Ibasco- Mendoza, bago bumili ay siguraduhing mayroon itong product standards markings.  

Mayroon umanong verification app na mada- download sa cellphone na maaaring gamitin sa pag scan ng produkto at malaman kung ang product standard markings ay peke o hindi.

Kadalasan ay may inilalabas ang DTI na listahan ng mga certified brand ng Christmas lights.

Ito ang mga pailaw na may Philippine Standard (PS) certifications marks o kaya naman ay Import Commodity Clearance (ICC) stickers.

Kapag mayroon ng mga nabanggit ay patunay ito na dumaan ang mga produkto sa tamang proseso ng safety standards ng ahensya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *