DTI, planong gawing sentro ng AI ang Pilipinas

Isinusulong ng Department of Trade and Industry na gawing sentro ng Pilipinas ang Artificial Intelligence.

Sa pagdinig ng 2024 budget ng DTI, sinabi ni Trade Usec. Rafaelita Aldaba, na humihingi ang ahensya ng P200 milyong pondo sa loob ng dalawang taon ngunit hindi pa sila napagbibigyan.

Paliwanag ni Aldaba, ang naturang pondo ay gagamitin sa pagpapatayo ng physical center kung saan magsasagawa ang data scientist, researchers at engineer ng AI research at development.

Iginiit naman ni Sen. Loren Legarda na dapat ay tuloy-tuloy ang AI workshops, capacity building at research kahit wala pa ang mismong imprastraktura para sa AI research.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *