DTI, tiniyak na wala pang-taas presyo sa basic goods hanggang sa katapusan ng 2023

Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na walang magaganap na pagtaas sa presyo ng mga pangunahing produkto hanggang sa katapusan ng 2023.

Ayon kay Trade Sec. Alfredo Pascual na nagkaroon ng kasunduan sa mga manufacturer at gobyerno na itigil muna ang anumang price increase sa bansa.

Sinabi naman ni Trade Assistant Sec. and Consumer Protection Group officer-in-charge Mary Jean Pacheco na anim na kompanya ang nagbawi ng price hike appeal partikular na sa bottled water, condiments, tinapay, asin, sardinas, at toilet soap.

Dagdag pa ni Pacheco, na humiling ang mga manufacturer ng suggested retail price adjustment dahil sa mataas na presyo ng raw materials, gasolina, sahod at iba pa.

Samantala, naglabas na rin ang DTI ng SRP bulletin para masiguro ang maayos na panuntunan sa mga consumer at retailers sa pagbili at pagbenta ng basic at prime goods.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *