Duque, muling nakiusap sa mga nurse, doctor na tumugon sa panawagang dagdag medical frontliners

Muling nakiusap si Health Secretary Francisco Duque III sa mga nurse at doctor na tumugon sa panawagan ng pamahalaan na kailangan ng dagdag na COVID-19 medical frontliners ngayong tumataas ang COVID-19 cases sa ilang bahagi ng bansa. 

Sa isang panayam, sinabi ni Duque na nahihirapan ang Department of Health (DOH) sa paghahanap ng mga aplikante para sa kanilang emergency hiring program. 

Ayon sa kalihim, mas ninanais ng mga nurse at doctor na magtrabaho abroad o ng ibang non-medical professions habang ang ilan ay takot na mahawa ng COVID-19.

Aniya, di naman masisi ng gobyerno ang mga nurse at doctor sa bansa kung mayroon silang pangamba pero wala namang ibang magtutulungan kundi tayo-tayong mga Pilipino. 

Dagdag ng kalihim, alam naman ng mga nurse at doktor na ang kanilang trabaho ay mag-alaga ng pasyente kaya kung iiwas sila sa tungkulin, bakit pa sila pumasok sa nasbaing propesyon.

Tiniyak naman ni Duque sa mga nurse na ibibigay ng DOH ang personal protective equipment at mga kailangang kagamitan sa buong bansa para matiyak ang kaligtasan ng mga pasyente at medical frontliners laban sa COVID-19.

Kaugnay nito, sinabi ng kalihim na dinownload na ng central office ang pondo sa DOH regional offices para sa emergency hiring program. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *