Duque pabor sa extended MECQ sa NCR plus

Pabor si Health Secretary Francisco Duque III na i-extend ang modified enhanced community quarantine (MECQ) ng isa pa o dalawang linggo para mapababa pa lala ang bilang ng COVID-19 cases.

Ayon sa kalihim, kailangang ipagpatuloy ang MECQ dahil di pa masyadong nag-iimprove ang health systems capacity ng bansa ay.

Aniya, ang COVID-19 ICU capacity ng mga ospital sa ilang siyudad sa Metro Manila ay nasa critical level pa.

Sinabi ni Duque na magpupulong ang Inter-Agency Task Force (IATF) kung ie-extend o hindi na ang MECQ na magtatapos sa April 30.

Mababatid na sa ngayon ay mayroon nang 77,075 active COVID-19 cases ang bansa, sa bilang na ito, 8,162 ang bagong COVID-19 cases. (VELLA GONZAGA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *