Duque: Walang pang malakas na ebidensya na ang ivermectin ay maaring gamitin vs COVID-19

Binigyang diin ni Health Secretary Francisco Duque III na wala pang malakas na ebidensya na ang ivermectin ay maaring makagamot sa coronavirus disease, sa kabila na ang naturang gamot ay inaprubahan para gamitin sa tao sa Pilipinas.

Sa pagdinig ng House committee on good government and public accountability, sinabi ni Duque na mas magandang maghintay nalang sa resulta ng clinical trials na isinasagawa ng Department of Science and Technology (DOST), alinsunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang pahayag ng kalihim ay matapos sabihin ni Deputy Speaker Rodante Marcoleta, na batay sa mga eksperto abroad na may mas advanced na teknolohiya, ay iprinoklama na ang efficacy ng ivermectin.

Matatandaan na noong nakaraang buwan nang maglabas ang FDA ng certificate of product registration (CPR) sa Lloyd Laboratories para bumuo at magbenta ng ivermectin, na magbibigay daan para sa legal human consumption.

Pero paglilinaw ng FDA, ang CPR ay hindi para gamitin bilang pang-gamot o pag-iwas sa COVID-19, at iginiit na ang layunin ng gamot ay nananatiling para sa antiparasitic.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *