Duterte, dadalo sa Independence day rites sa ikalawang pagkakataon – Palasyo

Kinumpirma ng Malacañang na personal na dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa komemorasyon ng Independence Day sa June 12.

Hindi naman nagbigay ng ibang detalye si presidential spokesman Harry Roque, dahil sa security reasons.

Ito ang ikalawang pagkakataon na dumalo si Duterte sa Independence day rites, simula nang maupo sa pwesto, kung saan una itong dumalo noong 2018 commemoration sa Kawit Cavite.

Samantala, kinilala naman ni Roque ang mga Pilipino na nagsakripisyo na lumaban para sa kalayaan. // MHEL PACIA -TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *