Duterte, pinangunahan ang presentasyon ng P1,000 polymer banknotes

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang presentasyon sa P1,000 banknotes na gawa sa polymer.

Ang unang batch ng P1,000 polymer banknotes ay idedeliver mula sa Australia ngayong buwan.

Sinabi ng BSP na makikita sa naturang bank note ang pambansang ibon ng Pilipinas na agila sa harap habang South Sea pearl naman ang likod.

Una nito, sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno na ang BSP ay nagkaroon ng kasunduan sa Reserve Bank of Australia at sa wholly-owned subsidiary nito na Note Printing Australia para sa produksyon ng polymer banknotes.

Mababatid na isinusulong ng central bank ang adoption sa polymer-based banknotes, dahil ito umano ay mas hygienic at sanitized, mas sustainable at environmentally friendly, mas durable, at mas cost effective.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *