Duterte: Rich nations, kailangang magbayad para sa epekto ng climate change

Binigyang diin ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang mga mayayamang bansa na nagbuga ng makakapal na emissions, ay kailangang magbayad sa Pilipinas para sa danyos na idinulot ng climate change.

Ang pahayag ni Duterte ay matapos na personal na makita ang danyos na dulot ng Tropical Depression Agaton sa Leyte, na tinamaan ng malawakang landslides kasunod na malakas na ulan.

Paliwanag ng punong ehekutibo, ang carbon emissions ng Pilipinas ay nasa 0.0, habang ang mga industrialized countries ang may malaking binubuga, pero ang problema umano ay sinasalo ng lahat.

Sa gitna nito, aminado ang pangulo na mahihirapan ang bansa na harapin ang natural disasters gaya ng mga bagyo.

Dahil dito, umaasa itong mas magiging handa ang susunod na administrasyon. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *