Duterte sa Cebu: Protocol ng IATF sa pag-test ng inbound travelers, sundin

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lalawigan ng Cebu na tumalima sa protocols para sa returning overseas Filipinos na itinakda ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Sa ilalim ng panuntunan ng IATF ang mga dumadating na mga Pilipino ay kailangang manatili sa quarantine facility sa loob ng sampung araw, at sasailalim sa RT-PCR testing sa ika-pitong araw.

Pero sa ginagawa naman ng Cebu, agad silang nagsasagawa ng tests sa returning nationals sa oras na dumating ito sa bansa, at pinapayagan na makauwi sa kanilang bahay sa oras na magnegatibo sa RT-PCR test result, at itetest muli sa ika-pitong araw habang sumasailalim sa home quarantine.

Matatandaan na nagpulong sina Duterte at Cebu Governor Gwen Garcia para talakayin ang magkaibang protocols ng naturang probinsya sa para mga inbound travelers. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *