‘Duterte, wala pang hiling na special session sa Kongreso para sa pagpapalawig ng Bayanihan 2’

Wala pa umanong hiling si Pangulong Rodrigo Duterte na special session sa Kongreso para talakayin ang isinusulong na pagpapalawig sa bisa ng Bayanihan 2.

Ito ay sa kabila ng inihayag ng pangulo na pwedeng gamitin ang unused o di pa nagagamit na pondo sa ilalim ng Bayanihan 2 para bayaran ang facility-based quarantine expenses o gastos ng mga returning overseas Filipinos.

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, sinubukan na nyang kausapin si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Wendel Avisado bagaman wala pang utos ang pangulo kung magkakaroon ng special session.

Una nang sinabi ng Palasyo na aabot sa P18 bilyong pondo sa ilalim ng Bayanihan 2 ang di pa rin nagagamit sa kabila ng nalalapit nitong expiration sa June 30, 2021

Ang Bayanihan 2 o Bayanihan to Recover As One Act ay dapat na mapapaso na noong December 2020 pero ito ay pinalawig.

Mababatid na isinusulong ni House committee on ways and means chairman Joey Salceda na magkaroon ng special session para ipasa ang panukalang i-extend ang validity ng Bayanihan 2.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *