Dwight Howard at Andray Blatche, dumating na sa Pilipinas

Dumating na sa Pilipinas ang dating NBA champion at eight-time All-Star na si Dwight Howard, upang maghanda kasama ang Strong Group Athletics para sa 2024 Dubai International Basketball Championship ngayong Enero 19 hanggang 28.

Ipinahayag ng 38-anyos ang kanyang pananabik pagkarating sa Maynila, kasama ang Gilas Pilipinas naturalized player na si Andray Blatche.

Nakatakdang samahan nina Blatche at Howard ang kapwa dating NBA player na si Andre Roberson sa napakalaking stacked Strong Group squad, na kinabibilang rin nina American guard McKenzie Moore, UAAP MVP Kevin Quiambao, UAAP champion JD Cagulangan, at coaches Brian Goorjian, Topex Robinson, at Charles Tiu.

Dahil dito, isa na namang heavt favorite ang Strong Group sa taunang pocket tournament na nagtatampok ng ilan sa mga pinakamahusay na koponan ng Middle East.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *