E-bikes at e-trikes – bawal na sa highway sa Metro Manila

Nagkasundo na ang Metro Manila Council na na iregulate na ang paggamit ng E-bike at E-trike.

Sa full council meeting kasama ang MMDA, sinabi ni MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes na nagpasa ng resolusyon ang MMC ukol dito.

Nakapaloob sa resolusyon na multang P2500 ang ipapataw sa mga e-vehicle na daraan sa major roads na nasa hurisdiksyon ng MMDA at oobligahin na ang mga driver nito na magkaroon ng lisensiya.

Sinabi naman ni MMC President at San Juan City Mayor Francis Zamora, magpapasa ng ordinansa ang lahat ng mga LGU sa Metro Manila kung anong mga kalye ang bawal daanan ng mga e-vehicles.

Dagdag pa ni Zamora, ayaw na nilang umabot sa puntong may masasawi kaya kailangan ng magpasa ng resolusyon para iregulate ang mga ito.

Samantala, maglalabas naman ng panuntunan ang Land Transportation Office para sa pagpapatupad ng batas kaugnay sa pagbabawal ng mga nasabing sasakyan sa mga national road.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *