Eco bag na naglalaman ng Improvised Explosive Devices natagpuan ng isang residente sa bayan ng Basud

CAMARINES NORTE – Natagpuan ng isang residente ang Improvised Explosive Devices o IEDs  na nakasilid sa isang eco- bag sa Purok 5, Barangay Tuaca, Basud, Camarines Norte Lunes ng hapon.

Ayon sa Police report nangunguha ng tuyong kahoy na panggatong sa Bicol Natural Park ang isang residente nang bumulaga sa kaniya ang isang brown na eco bag  malapit sa Nalisan Bridge na naglalaman ng IEDs.

Nagpasya itong dalhin at i-turnover ang mga narekober na IEDs sa pinakamalapit na kampo ng military sa lugar.

Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad kaugnay sa mga narekober na pampasabog.

Nasa kustodiya na ito ngayon ng mga awtoridad para sa kaukulang pagsusuri at tamang disposisyon.

Nagbabala naman ang mga awtoridad sa publiko sa sandaling makakita ng mga kaduda-dudang mga gamit na maaring IED.

Huwag itong hawakan, galawin o lapitan at huwag mag panic o manatiling kalmado upang mas makaisip ng mabuting gagawin.

Ireport  ito sa mga otoridad, sa Explosive Ordnance Disposal o Bomb Squad sa inyong lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *