ECOP, iginiit ang perwisyong maidudulot ng taas-sahod sa ilang sektor

Pagbabawas ng tao at pagsasara ng negosyo o kumpanya.

Ito ang muling iginiit ni Employees Confederation of the Philippines (ECOP) President Sergio Ortiz-Luis hinggil sa dagdag sahod para sa mga empleyado ng pribadong sektor.

Ayon kay Ortiz, nasa P52B ang labor market sa bansa, at 16% nito ang nasa formal sector.

Ang porsyento aniyang ito ang siyang makikinabang sa naturang wage increase.

Ang natitirang 84% naman daw ay mga walang employers, unemployed, at maliliit na family businesses.

Ibig sabihin, malaking porsyento ang padadapain at mapeperwisyo ng taas-sahod kumpara sa mga empleyadong makikinabang.

Samantala , binigyang-diin din ng opisyal na sa sandaling pagbigyan ang pagtaas ng sweldo, sasabayan ito ng mga enterprises sa pagtaas din ng halaga ng kanilang produkto para makabawi.

Kapag hindi raw naging sapat ang pagtaas ng presyo ng mga products, magbabawas na ng tao, o magsasara na ang isang kumpanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *