Educational assistance hanggang 50 thousand, fake news ayon sa DSWD

Nagbabala ulit ang Department of Social Welfare and Development o DSWD sa publiko na huwag magpapaniwala sa kumakalat ngayong post sa social media.

Sa Bagong Pilipinas program, sinabi ni DSWD Usec Edu Punay, may facebook page na nagpapanggap na DSWD at nagsasabing nag aalok ng educational assistance hanggang 50 thousand pesos.

Paglilinaw ni Punay, peke ang facebook page na DSWD Educational Assistance Program, na merong mahigit 500 thousand followers.

Pakiusap nito sa publiko, i-follow lang ang lehitimong facebook page ng kanilang ahensya ang Department of Social Welfare and Development, habang @dswdserves naman sa twitter.

Sa mga nais namang mag avail ng tulong sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS ay maaaring mag walk-in sa iba’t ibang opisina ng DSWD.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *