Efren Reyes Cup, ilulunsad sa Oktubre

Ilulunsad ngayong Oktubre ang isang panibagong billiard tournament na pinangalanan sa Philippine billiard icon na si Efren ‘Bata’ Reyes.

Inanunsyo ng The World Nineball Tour na ang “Efren Reyes Cup” ay ilulunsad sa pakikipagugnayan sa Puyat Sports.

Susundan ng tournament ang apat na araw na format ng Mosconi Cup.

Ikinatuwa naman ito ni Reyes at sinabing hindi lang ito basta-bastang tournament ang Efren Reyes Cup, dahil magsisilbi rin ito bilang isang selebrasyon para sa larangan ng billiards.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *