EJ Obiena nagtapos sa bronze sa Poland contest

Nagtapos na may bronze medal ang Filipino pole vaulter na si EJ Obiena asa 5th Irena Szewinska Memorial sa Poland.

Si Obiena, na nagmula sa gold medal outing sa 32nd SEA Games sa Cambodia noong nakaraang buwan, ay nakuha ang ikatlong puwesto kasama ang USA Olympian na si Sam Kendricks.

Unang nilampasan ni Obiena ang 5.22m at 5.42m bago ito tumagal ng tig-isang pagtatangka upang maalis ang 5.62m at 5.72 na taas.

Sinubukan pa rin ni Obiena na magrehistro ng 5.82m, ngunit nabigo pagkatapos ng tatlong vault.

Inangkin naman ni Chris Nielsen ng USA ang gintong medalya na may 5.92-meter finish habang si Piotr Lisek ng Poland ang nakakuha ng silver medal matapos ma-clear ang 5.82m.

Babalik si Obiena sa field sa June 10 sa Bergen Jump Challenge sa Norway.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *