EJ Obiena, nagwagi laban sa Olympic gold medalist ng Brazil

Nagwagi ang Filipino pole vaulter na si EJ Obiena laban sa Olympic gold medalist na si Thiago Braz ng Brazil sa Gothenburg Athletics Grand Prix sa Sweden nitong Huwebes habang nagpapatuloy sa kanyang pagsali sa Tokyo Olympics.

Binuksan ni Obiena ang kanyang 2021 outdoor season sa pamamagitan ng pag-clear sa 5.7 meters, para matalo ang kanyang training partner, na si Braz, na nakapag-clear ng 5.65 meters.

Samantala, nagtapos naman na may bronze medal ang pambato ng Norway na si Pal Haugen matapos nitong ma-clear ang 5.6-meters, na sinundan naman ni Cole Wash ng Estados Unidos.

Samantala, inaasahang makikipagkompitensya muli si Obiena sa Linggo sa Hengelo, Netherlands.

Bukod kay Obiena ay positibong makikipag-kompitensya rin sa Tokyo ang mga atleta tulad nina Cris Nievarez na isang rower, ang weightlifter at 2016 Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz, gymnast na si Carlos Yulo, mga boksingero na sina Eumir Marcial, Irish Magno, Carlo Paalam, at ang 2019 AIBA Women’s world champion Nesthy Petecio, at Taekwondo jin na Kurt Barbosa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *