Ejercito, Villar – ipinaliwanag ang pagbotong tutol sa contempt vs Quiboloy

Kinumpirma ni Senadora Cynthia Villar na pumirma na siya kahapon sa objection request ni Senador Robin Padilla na naglalayong iatras ang contempt order laban kay Apollo Quiboloy.

Ito ay matapos ang inilabas na pagpapasya ni Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, Chairperson, Senadora Risa Hontiveros laban kay Quiboloy dahil sa muling pagliban nito na humarap sa Senado.

Ayon kay Villar, kaibigan niya si Quiboloy at mabait ito sa kanyang pamilya kung kaya’t di raw niya maintindihan ang rason sa likod nito.

Sabi naman ni Senator JV Ejercito na isa rin sa mga lumagda tutol sa contempt order – mayroon na raw sariling kaso ang Department of Justice (DOJ) kaya ipauubaya niya na ang imbestigasyon sa Kagawaran at hindi na sa Senado.

Aniya, dapat ay sa DOJ humarap si Quiboloy para depensahan ang kaniyang sarili.

Maalala, matapos tumutol ni Padilla sa desisyon ni Hontiveros ay binigyan siya ng pitong araw upang kumolekta ng walong boto nang sa gayon ay ma-reverse o maiatras ang nasabing contempt order.

Mayroon nang limang primang nakalap si Padilla, kabilang sina Ejercito, Villar, Senadora Imee Marcos, at Senador Bong Go.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *