Ekonomiya ng bansa, lumago ng 5.9% sa ikatlong kuwarter ng taon

Lumago sa 5.9% ang ekonomiya ng bansa sa ikatlong kuwarter ng taon.

Sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), lumabas na mas mabilis ito mula sa 4.3% na gross domestic product growth sa ikalawang kuwarter ng taon.

Sa kabila nito, mas mabagal ito mula sa 7.7% na growth sa kaparehong kuwarter ng nakaraang taon,

Sa kabuoan, mayroon nang 5.5% na year-to-date GDP growth ang bansa.

Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan – kailangan pang lumago ng 7.2% ang GDP ng bansa sa huling kuwarter, para ma-hit ang target na GDP growth ngayong taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *