Ekonomiya ng bansa, lumago ng 7.6% sa ikatlong kuwarter ng taon

Bumilis pa ang paglago ng ekonomiya ng bansa sa ikatlong kuwarter ng taong 2022.

Iniulat ng Philippine Statistics Authority na lumago ng 7.6% ang gross domestic product o GDP ng bansa mula Hulyo hanggang Setyembre ngayong taon.

Bahagya pa itong mabilis kung ikukumpara sa ni-revise na 7.5% na growth record ng nagdang kuwarter.

Mas mataas din ito sa 7% na GDP na naitala sa kaparehong period noong nakaraang taon.

Ayon kay PSA National Statistician Dennis Mapa, ito na ang ika-anim na sunud-sunod na kuwarter na naitatala ang pagago ng ekonomiya mula pa noong 2nd quarter ng 2021.

Ang mga services sector umano ang naging pangunahing source ng economic growth, na sinundan naman ng mga industriya ng agrikultura, forestry, at fishing.

NEDA, kumpiyansang makakamit ang target na GDP para sa taong 2022

Kumbinsidio si National Economic Development Authority socioeconomic planning Secretary Arsenio Balisacan na ‘solido’ ang posisyon ng ekonomiya ng Pilipinas.

Ayon kay Balisacan, kumpyansa ang administrasyon na makakamit ang target na 6.5% hanggang 7.5% na paglago ng ekonomiya ngayong taon.

Para ma-abot ito, kailangan na lamang makapagtala ng 3.3% hanggang 6.9% na economic growth sa huling kuwarter ng 2022.

Sa ngayon aniya, aminado ang Pamahalaan na mayroon pa ring mga hamon na nagdudulot ng pagbagal ng paglago ng ekonomiya kabilang na ang mabilis na inflation, pati na rin ang mga pinsalang iniwan ng mga nagdaang sakuna kagaya na lamang ng mga bagyo.

Sa kabila nito, nasa ‘road to recovery’ pa rin aniya ang ekonomiya ng bansa at unti-unti na itong bumabangon lalo na sa mga epekto ng pandemya ng COVID-19.
#

RELATED STORIES:

Marcos, inanyayahan ang mga Cambodian business leaders na mag-invest sa Pilipinas

Economist lawmaker: paglago sa ekonomiya ng bansa, hindi tsamba!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *