Marcos, inanyayahan ang mga Cambodian business leaders na mag-invest sa Pilipinas

Nanindigan si Pangulong Bongbong Marcos na nasa tamang direksyon ang administrasyon sa pamamahala nito ng ekonomiya ng bansa.

Ito ang ipinagmalaki ng Pangulo sa kanyang pagharap sa isang roundtable discussion na dinaluhan ng mga Chief Executive Officers sa Cambodia.

Kasunod ito ng iniulat ng Philippine Statistics Authority na lumago ang gross domestic product o GDP ng bansa ng 7.6% sa ikatlong kuwarter ng taon.

Mas mabilis pa ito sa adjusted target GDP na 7.5%.

Ibinida ng Pangulo sa mga Cambodian businessmen na nasa ‘right direction’ ang ekonomiya ng Pilipinas.

Aniya, nakalatag ang mga mahahalagang elemento para rito kahit na mayroon pa ring mga ‘outside forces’ na hindi na raw mako-kontrol ng pamahalaan.

Kaugnay nito, iniulat din ng Pangulo ang naging pagtataya ng National Economic Development Agency o NEDA makakamit ng Pilipinas ang target growth na 6.5 to 7.5% para sa 2022.

INVESTORS, HINIKAYAT NI PBBM

Inanyayahan din ni Pangulong Marcos ang ilang mga business leaders mula Cambodia na dalhin ang kanilang mga negosyo sa Pilipinas.

Ayon kay Pangulong Marcos, kailangan ngayon ng gobyerno ng Pilipinas ng mga partners mula sa pribadong sektor para sa minimithing transfomation ng ekonomiya.

Hinikayat ni Marcos ang mga Cambodian business leaders na bumisita sa Pilipinas at tingnan mismo ang mga posibleng oportunidad pagdating sa pagnenegosyo.

Iginiit naman ni Marcos na ang partnership ay hindi tututok sa recovery kundi sa transformation.

Ipinunto pa ng punong ehekutibo na gumagawa na ng hakbang ang pamahalaan upang magkaroon ng mga direct investments sa bansa para sa pag-boost ng manufacturing sector.
#

RELATED STORIES:

Ekonomiya ng bansa, lumago ng 7.6% sa ikatlong kuwarter ng taon

Economist lawmaker: paglago sa ekonomiya ng bansa, hindi tsamba!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *