Ekonomiya ng Central Luzon noong 2020, lumagapak ayon sa PSA

Nangunguna ang Central Luzon sa bansa na may pinaka mababang naitalang Gross Domestic Product nitong nakaraang taon.

Base sa inilabas na datos ng Philippine Statistics Authority o PSA lumagpak sa negative 13.9 percent ang economic performance ng rehiyon para sa taong 2020, sumunod ang Calabarzon na nakapagtala ng negative 10.5 percent at ang national Capital Region sa negative 10.1 percent.

Ang mga ito rin ang tatlong rehiyon sa bansa na labis na naapektuhan ng COVID-19.

Ang naitala sa Central Luzon ay mas mababa pa sa National Gross Domestic Product contraction na 9.6 percent.

Sa datos ng PSA lahat ng labing pitong rehiyon sa bansa ay nakaranas ng pagbaba ng ekonomiya.

Ayon sa National Economic Development Authority o NEDA, bukod sa mga lockdowns dahil sa pandemiya ng COVID-19 nakapag ambag din ng pagbaba ng economiya sa bansa ang pagputok ng bulkang Taal at mga nagdaang bagyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *