Eksperto, pabor na i-review ‘Dengvaxia vaccine’ sa gitna ng tumataas na kaso ng dengue

Naniniwala si infectious diseases expert Dr. Rontgene Solante na napapanahon na para isailalim muli sa review ang kontrobersyal na Dengvaxia vaccine.

Ito ay sa gitna ng mga naitatatalang paglobo ng mga kaso ng dengue sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa LagingHanda public briefing, sinabi ni Solante na kung titignan daw, lisensyado naman ang paggamit ng dengvaxia sa ibang bansa.

Kahit na maraming kaso ng dengue ngayon sa Pilipinas – tanging tayo lang daw ang wala pa ring ipinatutupad na preventive measures para maiwasan ang hospitalization dulot ng dengue, o ‘di kaya naman ay ang pagkakaroon ng mga severe dengue cases.

Paliwanag ni Solante, kinakailangang araling maigi at magkaroon ng tamang rekumendasyon para sa target population nito at mga vulnerable sector.

Sa oras na magkaroon ng sapat na pag-aaral para rito – maalis aniya ang takot ng publiko sa pagtuturok ng Dengvaxia vaccine.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *