Eleazar umapela sa kongreso na magpasa ng batas para sa neuropsychiatric test sa PNP

Humingi ng tulong sa kongreso si Philippine National Police Chief Gen. Guillermo Eleazar na makapagpasa ng batas na magkaroon ng neuro-psychology test para sa mga miyembro ng pambansang pulisya.

Ayon kay Eleazar sa ngayon kasi ginagawa lamang ang test kapag magkakaroon ng promotion ang pulis o di naman kaya ay requirement sa schooling nito.

Ginawa ng PNP chief ang pahayag matapos ang nangyaring pamamaril ng isang pulis sa 52-anyos na babae sa Quezon City.

Dagdag pa ni Eleazar sa psychiatric test, masisiguro umanong ang mga kukunin na pulis na kahit na kakaunti ay tama, para hindi na maulit ang kagaya nina Police Master Sargeant Jonel Nuezca at Hensie Zinampan.

Nabatid na nitong Enero lamang nang ihain ni Senator Imee Marcos ang panukalang batas na nagmamando sa lahat ng PNP personnel na sumailalim sa psychiatric, psychological, drug, at physical tests.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *