Election Registration Board sa iba’t- ibang bayan sa Camarines Norte ng Basud nag convene ngayong linggo

CAMARINES NORTE- Nag- convene ngayong linggo ang Election Registration Board (ERB) sa iba’t- ibang bayan sa lalawigan ng Camarines Norte bilang bahagi ng paghahanda sa May 2022 National and Local Elections.

Ito ay upang i- verify at ma- certify ang Election Day Computerized Voters List (EDCVL) at Posted Computerized Voters List (PCVL) alinsunod sa Comelec Resolution No 10758 na na- promulgate ng komisyon noong Enero.

Kabilang sa mga maliban sa ERB ay ang mga magsisilbing Electoral Boards, Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), Political Parties at Independent Candidates.

Maging ang mga kinatawan ng civic/non- governmental organizations at iba pang stakeholders ay inanyayahan din para masaksihan ang proceedings.

Matatandaan na noon pang nakatalikod na mga araw ay puspusan na ang ginagawang paghahanda ng Comelec para sa paparating na halalan sa Mayo.

Ngayong araw, Marso 25 ay opisyal nang magsisimula ang kampanya sa mga kumakandidato sa lokal na posisyon.

Paalala ng Comelec sa mga kandidato na sundin ang health protocols sa pangangampanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *