Election returns na natanggap na ng PPCRV, umabot na sa 66,574

Umabot na sa 66,574 na mga election returns ang natanggap ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) para sa kanilang parallel count kaugnay sa May 9 polls.

Batay sa pinakahuling bilang sinabi ng PPCRV na katumbas ito ng 61.77 percent mula sa kabuuang 107,785 election returns.

Sa nasabing bilang, pinakamarami sa North at South Luzon na mayroong 40,292 election returns, kasunod ang Visayas na nasa 11,614, National Capital Region na mayroon nang 10,033, at Mindanao na nasa 4,635 election returns.

Kaugnay nito, wala pa ring nakukuhang election returns mula sa ibang bansa ang PPCRV base sa abiso nito. (CLAY MARQUEZ)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *