Electric fan na nag-overheat, sanhi ng sunog sa Las Piñas

Hirap marating ng mga bumbero ang tirahan na pinagmulan ng sunog sa Barangay Pilar, Las Piñas City.

Ito’y dahil kinailangan pang butasin ang isang pader para makalusot ang bumbero sa bahay.

Napag-alaman sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) na ang sanhi ng sunog ay mula sa nag-overheat na electric fan.

Naging abo ang 30 na bahay at apektado rito ang nasa 60 na pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *