Elijah Canlas at Miles Ocampo, nagkabalikan na?

Patuloy na umaasa ang mga supporters ng ex-couple na sina Elijah Canlas at Miles Ocampo.

Ito’y matapos dumalo ang aktor sa surprise birthday party ni Miles at siya pa mismo ang may dala ng cake para sa kanyang ex-girlfriend.

Bagama’t walang comment ang dalawa hinggil sa muli nilang pagsasama, nakapag post pa ang aktres ng liltrato nila ngunit wala itong kasamang caption.

Dahil dito, lalong lumalakas ang mga hina-hinalang nagkabalikan na nga ang dalawa, ngunit hanggang ay wala pa ring kompirmasyon hinggil rito.

Maalalang nagkaroon ng problema ang relasyon nila bago matapos ang taong 2023, ngunit mukhang nagkamabutihan muli ang dalawa nitong unang bahagi ng 2024.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *