EMB Bicol ipinaliwanag ang kahalagahan ng ground water

LEGAZPI CITY – Ipinaliwanag ng Environmental Management Bureau (EMB) Bicol ang kahalagahan ng ground water sa Pilipinas kasabay sa pagdiriwang ng World Water Day na may temang “Groundwater:Making the invisible,visible”.

Ayon kay Information Officer II Chief of Environmental Education at Information Unit of EMB Jacinth Tacuyan, napakahalaga ng ground water sa pamumuhay ng tao dahil ito ay nagbibigay ng nasa kahalating pursyento ng inuming tubig sa buong mundo, 40% naman ang nakalaan para sa irrigation at agriculture at ⅓ pagdating sa iba’t- ibang industriya.

Dagdag pa nito, napakaraming ahensya ang nagtutulungan upang mapanatili ang kalinisan at kalidad ng tubig na iniinom at ginagamit ng lahat, kabilang dito ang EMB, Department of Health (DOH) , Mines and Geosciences Bureau (MGB), National Water Resource Board (NWRB).

Samantala, nagsagawa rin ng webinar ang nasabing ahensya patungkol sa water management and regulations na dinaluhan ng 97 indibidwal at mga sangay ng gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *