EMBO barangays sa Taguig, welcome pa rin sa health caravan ng Makati LGU

Maaari nang magkaroon ng free access sa Lingkod Bayan Caravan ng Makati City Government ang 10 EMBO barangays na ngayon ay nailipat na sa Taguig.

Ayon kay Makati City Mayor Abby nakatatanggap sila ng mga reklamo mula sa mga residente ng EMBO dahil sa kakulangan sa access sa basic health service.

Dagdag pa nito, simula February 12, apat na barangay health centers ang magsisimulang mag-operate mula ala-6 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi – Lunes hanggang Biyernes.

Ani Binay, wala man raw sa kanilang jurisdiction ang naturang mga lugar, dedicated pa rin silang pagsilbihan ang mga ito.

Sa huli, hinikayat ng opisyal ang publiko na i-monitor ang Facebook page ng Makati LGU para sa updates sa schedule at mga lokasyon ng multi-service caravan.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *