Emergency harvest, ipinayo na ng BFAR-Bicol kasunod ng fish kill sa Buhi; inisyal na pinsala umabot na sa halos ₱3-million

NAGA CITY- Emergency harvest na ang ipinapayo ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR-Bicol kasunod ng fish kill sa Buhi, Camarines Sur.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni  Atty. Nilo Consuelo, Chief of the Production Division, mauubos mamatay ang tilapia kung hindi pa aagapan. Bumababa aniya ng husto ang dissolved oxygen dahil sa panahon. Pumailalim ang mababang temperatura ng tubig dahil sa ulan at idagdag pa ang hangin. Bukod sa Buhi kailangan din aniyang magbantay ang mga fish cage operators sa iba pang mga lawa sa lalawigan.

Samantala, sinabi ni Mark Nazarea, tagapagsalita ng LGU Buhi na sa inisyal na pagtataya umabot na sa ₱2, 907, 917.00 ang  pinsala kahapon ng umaga. Inasahang madaragdagan pa ito, tatlong barangay na ang apektado Iraya, Ipil at Tambo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *