Empleyado ng COMELEC Batangas, pawang bakunado na kontra Covi19 virus

Batangas – Lahat ng empleyado ng Commission on Elections ay pawang bakunado na kontra Covid19 sa lalawigan ng Batangas.

Kinumpimra ito ni Atty. Jonalyn Sabellano, Batangas Election Supervisor sa hiwalay na panayam ng Brigada News FM Batangas.

Ipinagmalaki ni Atty Sabellano na ang kanyang mga staff ay pawang bakunado na maliban sa isang buntis na kasalukuyan naman naka-work from home.

Samantala,  sa kasalukuyan, nakuha na ng Batangas province ang target na bilang ng bagong nagparehistrong mga botante pero tuloy-tuloy pa rin at bukas ang mga tanggapan ng Comelec sa ibat ibang bayan upang tumanggap ng mga botante na magpaparehistro sa mas pinahabang pang mga oras na tatagal hanggang a-trenta ng Setyembre.

Isa sa naging dahilan kung bakit nakamit agad ng Batangas ang target na numero ay ang pananatili ng probinsya sa ilalim ng GCQ kung saan walang pagtigil o pagkaantala sa trabaho ang mga kawani ng Commission on Elections-Batangas.

Sa ngayon kahit naabot na ang bilang ng target ng mga magpaparehistro ay patuloy ang COMELEC sa pag-imbita sa ating mga kababayan na magparehistro na lalo na ngayon na may binuksan mga satellite registration ang ahensya gaya ng sa SM City Batangas tuwing Sabado, alas-8:00 ng uamaga hanggang alas-5:00 ng hapon upang madali para sa mga mamamayang Batangenyo ang makapag-parehistro at daan upang makaboto sa halalan 2022.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *