Umano’y empleyado ng isang beer company sa China, na-huli cam matapos ihian ang kanilang produkto

Huli sa akto ang isang umano’y empleyado ng isang pagawaan ng beer sa bansang China matapos ihian ang tanke na naglalaman ng raw ingredients sa paggawa ng alak.

Sa isang viral video makikita ang isang lalaki nakasuot ng uniporme pangtrabaho sa isang Beer Company, at bigla na lang na inihian ang isa sa mga ingredients sa tanke ng paggawaan ng alak.

Ilan sa mga naging pahayag ng mga nakakitang mga Netizen na maari umanong ang ihi ay isa sa mga sangkap sa paggawa ng beer.

Pero ayon sa kumpanya ng beer nagsasagawa na sila ng malalimang imbestigasyon kung ang lalaki na nakita sa video na umihi sa kanilang raw ingredients ng alak ay kanilang lehitimong empleyado. ### KENNETH BERMIL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *