Local News

Empleyado ng Munisipyo sa Pili, Camarines Sur patay matapos tangayin ng baha

NAGA CITY – Patay na nang matagpuan kahapon bandang 2:25 ng hapon ang isang empleyado sa Munisipyo, matapos tangayin ng tubig-baha sa bayan ng Pili, Camarines Sur dahil sa pag-uulang naranasan dulot ng shear line.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Nicolas Boclot Jr, Acting Head ng MDRRMO Pili, nasa bandang ilalim na ng fish pond nakita ang bangkay ng biktimang si Eddie Camillo Tanudra, 49 taong gulang, taga Sitio Caboclodan, Barangay San Jose, Pili, nagtatrabaho sa Office of Community Affairs and Development ng bayan, matapos nitong puwersahang tawarin ang rumaragasang tubig sa spillway papuntang Barangay Curry noong Enero 19 ng gabi kung saan hindi natiyansa na mataas na pala ang tubig.

Ayon pa sa opisyal may tama sa ulo ang biktima na posibleng tumama sa bato.

Labis namang pagdadalamhati ang nararamdaman ng pamilya, maging ang Acting Mayor Francis Belen ay nagpa-abot na rin ng pakikiramay lalo na’t empleyado pa ng Gobyerno Lokal.

Nanawagan at nagpa-alala naman ang MDRRMO sa publiko na sana sa ganitong sitwasyon na delikado nang tumawid pa huwag nang magpumilit pang tumawid nang sa gayon ay hindi mapahamak.

BNFM Naga

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

4 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

4 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

4 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

5 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

5 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

5 hours ago