Employers’ groups: P100 wage hike – banta sa job security

Sumulat ang iba’t ibang mga grupo ng employers’ sa Kamara para tutulan ang nakalusot na P100 na taas-sahod sa mga manggagawa sa Senado.

Lumiham ang mga grupong Employers Confederation of the Philippines (ECOP), Alliance of Workers in the Informal Economy/Sector (ALLWIES), Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) at ang Philippine Exporters Confederation, Inc. (PhilExport) sa House Committee on Labor and Employment.

Anila, baka mapasama pa ang sektor ng paggawa sa oras na maisabatas ang wage hike.

Anila, maaari itong nagdulot ng ‘informal’ na mga setup sa mga kumpanya.

Paliwanag ng mga grupo – baka raw mapilitana ng mga negosyo na magkaroon ng iba’t ibang arrangements sa kanilang mga empleyado.

Ang resulta – maaaring magkaroon ng exploitation sa mga manggagawa, at malagay sa alanganin ang job security.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *