Endangered ‘Philippine spotted deer’ ipinanganak sa Chester zoo sa England

Inihayag ng Chester Zoo sa England ang pagsilang sa isang bihirang, Philippine spotted dear na pinangalanang Lyra na base sa isang konstelasyon.

Ipinanganak ang usa bilang bahagi ng conservation breeding program na itinatag sa kahilingan ng gobyerno ng Pilipinas.

Base sa datos, 700 Philippine spotted deer na lamang ang nananatili sa wild, na nagmamarka sakanila bilang isang endangered species.

Ipinanganak si Lyra na tumitimbang ng aabot sa anim na pounds matapos ipagbuntis sa loob ng walong buwan.

Ang Philippine spotted dear ay nawala sa ilang isla sa Pilipinas dahil sa pangangaso at deforestation.Matatagpuan na lamang sila sa mga isla ng Panay at Negros.

Ayon sa tagabantay ng Chester Zoo na si Emma Evison, ang bawat pagsilang ng mga Philippine spotted dear ay talagang mahalaga sa pangmatagalang kaligtasan ng nasabing species, kung kaya’t sila ay nagagalak nang makita ang bagong silang na usa.

Samantala, ligtas na nakapagpasok ang Chester Zoo at ang mga kasosyo nito ng aabot sa 28 Philippine spotted deer pabalik sa wild na isang protektadong nature reserve.### TRIXIE BORRAS, Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *