Enrollees ng SY 2023-2024, kinapos sa target ng DepED

Kinapos na makamit ng Department of Education o DepEd ang target na bilang ng mga enrollees ngayong taon.

Sa pinakahuling datos na inilabas ng DepED mula sa Learner Information System (LIS) para sa SY 2023-2024 may kabuuang 26,912,559 na mga mag-aaral mula sa public schools, private schools, State Universities and Colleges, at Local Universities and Colleges ang nag-enroll.

Ayon kay DepEd deputy spokesperson Assistant Secretary Francis Bringas bagaman nasa dalawang million pa kulang sa target na 28.8 million enrollment target ngayong taon ay hindi naman aniya sila nawawalan ng pag-asa na mahahabol pa ito mula sa mga late na magpapalista.

Sa ngayon patuloy pa rin ang encoding ng DepEd para sa lahat ng paaralan sa buong bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *