Local News

EO para sa mga alituntunin sa Santiago City, inilatag kasabay ng MECQ extension

Inilatag ng LGU-Santiago City ang mas pinahigpit na alituntunin kasabay ng pinalawig na Modified Enhanced Community Quarantine simula ngayong araw hanggang May 31,2021.

Ito ay alinsunod sa inilabas na Executive order no. 2020-04-07 na pirmado ni Mayor Joseph Tan.

Nakasaad dito na ipinagbabawal pa ring lumabas ang mga edad 18 anyos pababa, 65 anyos pataas, mga may comorbidity, mga buntis at mga nakasailalim sa isolation.

Iiral naman ang number coding scheme sa lunsod kung saan ang mga tricycle na nagtatapos sa odd number (1,3,5,7,9) ang franchise plate number ay maari lamang lumabas sa araw mga ng Lunes, Miyerkules, Biyernes at Linggo habang ang mga nagtatapos naman sa even number (0,2,4,6,8) ay pinapayagang lumabas sa mga araw ng Martes, Huwebes, Sabado at Linggo.

Magsisimula naman ng alas 8:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga ang curfew hours maliban sa mga health workers, uniformed personnel, APOR at iba pang frontliners.

Pinapayagan naman ang dine-in sa mga restaurant at karinderya ngunit limitado lamang sa 10% operational capacity habang ang mga outdoor dine-in ay nasa 50% capacity lamang at mahigpit naman ang pagpapatupad ng liquor ban.

Ipinagbabawal pa rin ang mass gathering habang ang religious gathering naman ay limitado lamang sa 10% capacity.

Kaugnay dito limitado rin hanggang apat (4) na araw lamang ang burol o wake and funeral.

Magpapatuloy naman ang mga nailatag na checkpoint sa bawat barangay upang makontrol ang mga lumalabas at pagpasok sa kanilang kalunsuran.

Ang nasabing mga alituntunin sa ilalim ng executive order ay epektibo ngayong araw hanggang katapusan ng Mayo sa ilalim ng MECQ.

BNFM Cauayan

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

11 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

11 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

11 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

11 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

11 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

12 hours ago