Local News

ISU main campus, over all ranked 5 sa katatapos na programming competition sa bansa

Iniuwi ng Isabela State University Main Campus ang ikalimang pwesto sa katatapos na Programming Competition na inorganisa ng Philippine Society of Information Technology Educators Foundation, Inc. (PSITE) Region 12.

Ang naturang kompetisyon ay dinaluhan ng 18 Teams na binubuo ng tatlong Undergraduate Students na may computer-related course mula sa iba’t-ibang Higher Educations Institutions (HEIs) sa buong bansa.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, ang mga kinatawan mula sa ISU Echague ay pawang mga 2nd year students na may kursong Bachelor of Science in Computer Science na binubuo nina Godwin Bardiago, Ian Cedric Ramirez, at Carl Xavier Valdez.

Nagsilbi namang coach ng grupo na mula sa College of Computing Studies, Information and Communication Technology na si Ms. Cathleen Glo Feliciano.

Kinilala ang tatlong kalahok mula sa nasabing paaralan matapos itanghal na overall ranked 5 kung saan nasungkit ni Bardiago ang 1st placer, Ramirez para sa 9th place at Valdez sa ika-11 pwesto para  sa Individual Category.

BNFM Cauayan

Recent Posts

Buffer Stocks ng NFA sa Camarines Sur, tumaas ng husto sa ₱30 na palay buying price

CAMARINES SUR- Tumaas ng husto ang buffer stocks ng palay ng National Food Authority sa…

21 mins ago

Itinalagang Mangingisdang Direktor nakipagpulong na sa Magsasakang Direktor para pag-usapan ang kanilang pagsanib-puwersa

BNFM Bicol-MATAPOS maipakilala nitong nakaraang araw ang Mangingisdang Direktor na si MD Arnel Bitome opisyal…

24 mins ago

Driver, ginlabo-pilason sa Dumalag

Pilas sa dughan ang naangkon sang isa ka driver matapos ginlabo sang kasubong man nga…

56 mins ago

18 barangay sa Albay, pasado sa 2023 Seal of Good Local Governance for Barangays – DILG Bicol

LEGAZPI CITY - Pasado an nasa 18 mga barangay sa Albay sa 2023 Seal of…

1 hour ago

Training on Good Agricultural Practices on Abaca Production and Basic Handloom Weaving kan PHILFIDA Bicol, matapos na ngunyan na aldaw

LEGAZPI CITY – Ngunyan na an ultimong aldaw kan training sa Abaca Production and Basic…

1 hour ago

1st OTOP Nook sa Europe, inilunsar na

LEGAZPI CITY – Pormal nang inilunsar an pinakaenot na One Town, One Product (OTOP) Nook…

1 hour ago