Epekto ng two-week ECQ, bahagya lang naramdaman sa PGH

Bahagya umanong nakatulong ang dalawalang linggong strict lockdown sa ilang bahagi ng bansa para mapaganda ang healthcare capacity.

Kaugnay nito, sinabi ni Philippine General Hospital spokesperson Jonas del Rosario na ang COVID-19 admissions ay bahagyang bumaba, pero nananatili paring mataas ang bilang sa kabila ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine mula March 29 hanggang April 11.

Ayon kay del Rosario, may mga waiting line parin sa kanilang Intensive Care Unit at emergency rooms na lampas na sa kanilang patient capacity.

Dagdag ng state-run hospital na siyang pinakamalaking COVID-19 referral facility sa bansa, na hindi parin umano sila maka-admit ng critical cases na hindi naa-accommodate sa ibang mga ospital.

Pagbabahagi nito, kaunti nalang ang kanilang available beds para sa mga COVID-19 patients na mayroong moderate symptoms. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *