ePhilID iniisyu kaagad ng PSA pagkatapos mag register sa step 2 registration ng PhilSys

CAMARINES NORTE – Patuloy pa rin naman daw ang pag- iisyu ng physical Id card ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa kabila ng reklamo ng marami hinggil sa matagal na paghihintay bago ito mai- deliver.

Mayroon kasing inaabot ng taon bago mai- deliver sa may ari ang physical ID card.

Ito ang dahilan kung bakit nag-iisyu ng ePhilIds ang PSA na maaaring gamitin sa pakikipag transaksyon.

Ayon kay Chief Statistical Specialist Maria Dulce Padayao agad na nag- iisyu ng ephilID ang PSA pagkatapos ng step 2 registration.

Ang ephilIDs ay may kaparehong gamit ng physical ID card.

Mababatid na hanggang nitong November 30, 2023, umaabot na sa 481, 235 o 91. 96 %  ng target na 523, 545 na indibidwal edad limang taong gulang pataas ang rehistrado na sa PhilSys.

Nasa 237, 836 na ePhilIds naman  ang naipamahagi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *