Eraserheads band members, hindi naging magkaibigan o magka-close – Ely Buendia

Isiniwalat ni Ely Buendia ang totoong kahulagan ng kantang “Minsan” na pinasikat ng Eraser Heads kung saan ay sinabi niya na wala itong kinalaman sa kanilang samahan bilang isang banda.

Sa podcast episode ng musician couple na sina Jim Bacarro at Saab Magalona, ay nilinaw ni Ely na kahit kailan ay hindi sila naging close o magkaibigan sa isa’t-isa sa Eraserheads.

Iginiit ng dating Eheads frontman na ang banda nila ay hindi katulad ng “Itchyworms” o ng “Parokya Ni Edgar” na kilala sa pagiging magkakabarkada ng mga miyembro nito.

Ipinaliwanag naman ni Ely na ang tinutukoy niya sa kantang “Minsan” ang ang mga aktwal niyang mga kaibigan noong panahon niya sa Kalayaan.

Tiniyak naman ni Ely na meron good working relationship sa pagitan nilang mga dating miyembro ng Eraserheads, at sinabi na “it was good while it lasted”.

Pagkatapos ng interview, ay nakatanggap ng samu’t-saring negatibong reaksyon si Ely sa social media dahil sa kanyang mga sinabi.

Bilang sagot ay sinabi niya sa kanyang tweet: “Big deal, still? Why hate on people who want to tell the truth? I didn’t ask to be interviewed, nanahimik na nga ko dito eh living a happy life kayo yung makulit about the eheads. The music is all that matters, have you forgotten about that, and who wrote most of it? [sunglasses emoji] just sayin.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *