ERC pinalawig pa ang suspensyon ng pangongolekta ng Feed-In-Tariff

CAMARINES NORTE – Pinalawig pa ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang pangongolekta ng Feed-in Tariff Allowance (FIT-All) charge.

Ibig sabihin na hindi muna ito idadagdag sa bayarin sa kuryente ng mga kunsomidores.

Ang bagay na ito ay kinumpirma rin ng Camarines Norte Electric Cooperative sa isang pahayag na inilabas nitong Miyerkules, August 22.

Ito na ang ikatlong magkakasunod na pagkakaton na sinuspinde ng ERC ang FIT-All collection simula noong huling bahagi nang nakaraang taon.

Kung maalala ay pansamantalang ipinahinto ang pangongolekta nito ng ERC sa pamamagitan ng Resolution No. 12, Series of 2022 mula noong December 2022 hanggang February 2023 billing.

Pinalawig naman ito mula March 2023 hanggang August 2023 billing at ngayon naman ay suspendido pa rin mula Sepetember 2023 billing until further notice.

Ang FIT-All  ay uniform charge na ipinapataw sa lahat ng grid electricity consumers at isa sa mga component ng bayarin sa kuryente na magsisiguro naman sa pag- develop at pag-promote ng renewable energy  sa bansa.

Ang umiiral na FIT-All rate ay P0.0364 per kWh at ang patuloy na suspensyon ng pagkolekta nito ay makakabawas ng P0.0364 per kWh o P7.28 sa buwanang bayarin ng tipikal na sambahayan na kumukunsumo ng 200 kilowatt-hours.

Ang hakbang na ito ng ERC ay ginawa sa gitna ng “crucial time” kung kailan labis na nakakaapekto sa naraming Pilipino ang inflation at mataas na cost of living.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *